Tuesday, September 20, 2011 / 1:17 PM
Nabuhay akong nagsasalita ng Visaya at Tagalog. Pinagaaralan din naman ang Ingles. Hindi ako nasanay masyado mag-Ingles. Mga Pinoy nga naman walang pakialam kung ano ang pagkakabigkas mo sa mga salita ng Ingles. Hindi ko maipagkakaila na meron din namang mga Pinoy na parang kano mag-Ingles. Magaling sila masyado. Minsan nga, inggit na inggit ako sa kanila. Nag-aral ako sa Hay Skul na may patakaran na dapat magsalita ng Ingles sa eskwelahan. Alam mo na baya ang mga Pinoy. Minsan minsan ko lang masyado sinunod kasi nahihirapan ako lagi. Pati sa reporting, matagal pa matapos.
Sa pagdating ko dito sa Estados Unidos. Grabe nauubusan ako lagi ng Ingles. Nosebleed masyado as in kung baga. Araw-araw sa buhay ko dito, kailangan mag-Ingles kasi yan lang ang paraan para magkaintindihan kayo sa mga tao. Kapag may nakita nga akong Pinoy at makausap (SUWERTE!), ang laki ng ngiti ko na aabot talaga sa langit. Mga pinsan ko, grabe ang galing mag-Ingles. Minsan tinatawanan nila ako magsalita kaya minsan din tinuturuan nila ako. Tawa ng tawa talaga yan sila.
Ang buhay nga naman. Kailangang i-experience ang mga hindi inaasahang pangyayari para mas maging exciting lalo. xD
Labels: English, isang pinay