Sunday, September 18, 2011 / 8:05 PM
Nakapasok daw kami ni Lysa (Ohlysafae!), Leamie at ako sa UPLB. Kung saan saan kami nagdorm pero palagi kaming minamalas at gusto lumipat. Napagod kami nun. Hanggang nakapili na kami ng magandang dorm malapit sa Unibersidad namin. Tapos naisip ko na nakapasok din si Jaiza sa ADMU. Kung may band concert, magkikita lang kami sa Manila.
Nailipat na namin lahat ng gamit namin sa dorm. Mag-nonoodles lang daw sila Lysa at Leamie pero sabi ko sa kanila magluto ako ng gulay uy! Alangan nag-aaral gud tayo kaya kailangan talaga ng masustansyang pagkain at mabusog tayo ng mabuti.
Hahaha xD yun naputol na kasi nagising na ako.
Kung totoo lang sana ito, ang saya saya ko na ba! parang nasa langit na ang pakiramdam ko.
Labels: isang panaginip lamang